Naganap ang National Social Pension Payout 2026 sa pakikipagtulungan ni Mayor Rommel Magbitang at ng ating Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ngayong Martes, April 21, 2026, sa Naic Covered Court at Naic Town Plaza.

Makakatulong ang programang ito na maihatid ang tulong pinansyal sa ating mga benepisyaryo, bilang suporta sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagbibigay-serbisyong may malasakit para sa bawat Naicqueño.