Matagumpay na naipamahagi ang Localized Social Pension ngayong Abril 22, 2026 sa Naic Covered Court, Naic Town Plaza, at Ibayo Estacion Covered Court.

Isang makabuluhang araw ito para sa mga senior citizens, kung saan naiparating ang tulong na nararapat sa kanila bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ating bayan ng Naic. Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagsisiguro na ang mga programang tulad nito ay naipapatupad nang maayos, maaasahan, at may tunay na malasakit para sa kapakanan ng bawat Naicqueño.