Sa pangunguna ng Naic Municipal Health Office (MHO) at Naic MDRRMO, isinagawa ang isang mahalagang Basic Life Support (BLS) Training para sa kanilang mga kawani bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kakayahan sa pagresponde sa mga emergency na sitwasyon.

Isinasagawa ito mula April 20 hanggang April 24, 2026.

Venue: Amisa Medical Mission Building, Brgy. Timalan Concepcion, Naic, Cavite

Layunin ng pagsasanay

  • Mapalawak ang kaalaman sa tamang pagbibigay ng paunang lunas
  • Mapaigting ang kakayahan sa CPR (Cardiopulmonary Resuscitation)
  • Maipamalas ang tamang paggamit ng Automated External Defibrillator (AED)
  • Makatulong sa agarang pagligtas ng buhay sa oras ng sakuna o emerhensiya

Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng bawat kawani, napalakas ang ating kahandaan upang magbigay ng dekalidad at mabilis na serbisyong pangkalusugan sa ating komunidad.

Lubos na pasasalamat sa lahat ng nakiisa at nagbahagi ng kanilang kaalaman upang maisakatuparan ang matagumpay na training na ito.

Sa bawat segundo ay mahalaga. Ang kaalaman sa BLS ay maaaring makapagliligtas ng buhay.