Mga Naicqueño, mag-ingat tayong lahat sa mga kumakalat na pekeng Facebook pages at dummy accounts na nagpapakalat ng maling impormasyon at fake news sa ating bayan.
Para sa mga legit, opisyal, at permanenteng anunsyo, mula sa mga suspension ng klase, lokal na programa, hanggang sa mga serbisyo-publiko, dito lamang po tayo sumubaybay at magtiwala sa ating dalawang (2) Opisyal na Facebook Pages:
- Mayor Rommel Magbitang
- Municipality of Naic
PAALALA: Ang dalawang pahinang ito LAMANG ang opisyal na pinagmumulan ng tamang balita at impormasyon mula sa Pamahalaang Lokal. Huwag po tayong magpapaloko, magpa-paniwala, o mag-share ng mga post mula sa hindi beripikadong pinagmulan.
