Matagumpay na ipinagdiwang ang 235th Foundation Anniversary ng bayan ng Naic, tampok ang sama-samang pagkakaisa at paggunita sa ating kasaysayan at kultura.

Sa pamumuno ni Mayor Rommel Magbitang, katuwang sina Vice Mayor Jacinta Remulla, Board Member Eimeren Nazareno, mga Konsehal Rodrigo Castillo, Raymond Senia, SJ Nazareno, Jerry Barrera, at Glennon Pegollo, Local Council of Women Chairperson Rommelyn Magbitang, at SK Federation President Darlaine Benesen, naging maayos at makabuluhan ang pagdiriwang para sa lahat ng Naicqueño.