The Grand Parade

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 235th Naic Founding Anniversary ngayong Mayo 1, 2026, inaanyayahan ang lahat na saksihan ang makulay at makasaysayang The Grand Parade.

Magsisimula ito sa ganap na 6:00 AM mula sa Municipal Grounds patungo sa Naic Town Plaza, tampok ang sigla, talento, at pagkakaisa ng bawat Naicqueño.

Halina't makiisa at ipagdiwang ang ating makulay na kasaysayan at patuloy na paglago bilang isang nagkakaisang bayan ng Naic.