Matagumpay na naisagawa ang National Social Pension Distribution para sa mga kwalipikadong senior citizen sa Naic Town Plaza, sa pakikiisa ni Mayor Rommel Magbitang sa pag-sisiguro na maayos ang daloy ng programa, ngayong Hunyo 30, 2026.

Layunin ng programa na makapagbigay ng pinansyal na suporta sa ating mga nakatatandang kababayan bilang pagkilala sa kanilang kapakanan at patuloy na pagtugon sa kanilang mga pangangailangan.