Nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Naic sa pagdiriwang ng 52nd Nutrition Month na may temang:

"Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan!"

Sama-sama nating isulong ang wastong nutrisyon at pangangalaga sa ating kalikasan. Sa pamamagitan ng masustansyang pagkain at responsableng pangangalaga sa kapaligiran, mas makakamit natin ang mas malusog, mas ligtas, at mas matatag na Bayan ng Naic.