Naganap noong Hunyo 16, 2026 sa Liga ng mga Barangay ang Municipal Peace and Order Council (MPOC) Meeting sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, kasama ang mga kinatawan mula sa iba't ibang tanggapan at partner agencies.

Layunin ng pagpupulong

Talakayin ang kasalukuyang peace and order situation ng bayan, gayundin ang mga hakbang at programa upang mapanatili ang seguridad, kaayusan, at kaligtasan ng mga Naicqueño.

Sa pamamagitan ng patuloy na koordinasyon at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at mga katuwang na ahensya, mas nagiging handa at epektibo ang pagtugon sa mga usaping may kinalaman sa kapayapaan at kaayusan ng bayan ng Naic.