Ipinamahagi ang mga Fishing Boat Packages mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga benepisyaryo mula sa Barangay Bucana Sasahan, Timalan Balsahan, at Timalan Concepcion.
Layunin ng programang ito na suportahan ang ating mga mangingisda sa kanilang pang-araw-araw na hanapbuhay at makatulong sa pagpapabuti ng kanilang kabuhayan at ng kanilang mga pamilya.
Lubos ang ating pasasalamat sa DOLE sa patuloy na pagpapatupad ng mga programang nagbibigay ng konkretong tulong at oportunidad sa ating mga kababayang Naicqueño.



