Matagumpay na naisagawa ang pinakainaabangang laban ng taon kung saan nanaig ang Naic Posible Team kontra MAVS Phenomenal. Ipinamalas ng ating mga manlalaro ang tibay ng loob, disiplina, at husay na tunay na nagbigay ng sigla at inspirasyon sa mga Naicqueño na sumaksi sa laban.

Lubos ang ating pasasalamat sa MAVS Phenomenal para sa isang marangal at makabuluhang sagupaan na nagpakita ng tunay na diwa ng sportsmanship. Taos-puso rin ang pasasalamat kay Former Tagaytay City Vice Mayor Reymond Ambion sa kanyang suporta at presensya na nagdagdag ng halaga sa kaganapang ito.

Ang laban na ito ay hindi lamang tungkol sa panalo, ito ay simbolo ng pagkakaisa, disiplina, at malasakit ng komunidad. Patuloy nating ipakita na sa larangan man ng isports o sa iba pang aspeto, ang Bayan ng Naic ay may lakas, talento, at pusong nagkakaisa.