Isinagawa sa Naic Town Plaza ang National Social Pension Program ng Bayan ng Naic ngayong Miyerkules, September 16, 2026, para sa mga senior citizen.

Nakibahagi rin si Mayor Rommel Magbitang upang makasama at makumusta ang mga benepisyaryo ng programa.

Bahagi ito ng patuloy na suporta ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga nakatatanda, bilang pagkilala sa kanilang mahalagang papel sa pamilya at komunidad.