Sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang, isinagawa noong Setyembre 14, 2026 sa ABC Hall ang Third Joint MPOC-MADAC-MTF-ELCAC Meeting.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga usapin kaugnay ng kapayapaan, seguridad, at kaayusan sa Bayan ng Naic, kasama ang mga kinatawan ng mga kaukulang tanggapan at katuwang na sektor. Patuloy ang koordinasyon at pagtutulungan upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na komunidad para sa mga Naicqueño.