National Social Pension sa Bayan ng Naic
Isasagawa sa Abril 21, 2026 (Martes), simula 8:00 AM, ang pamamahagi ng National Social Pension sa Naic Covered Court at Naic Plaza (simultaneous).
Inaanyayahan ang mga benepisyaryo na makiisa at makipag-ugnayan sa tamang oras at lugar para sa maayos na daloy ng programa. Maaaring gamitin ang National ID o OSCA ID bilang pagkakakilanlan.
Patuloy ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa paghahatid ng serbisyong may malasakit.
Paalala
Muli po naming ipinapaalala na ang iskedyul na ito ay para lamang sa mga benepisyaryo ng NATIONAL SOCIAL PENSION (DSWD National) na tumatanggap ng Php 3,000 kada tatlong buwan.
Nililinaw po na HINDI kasama rito ang mga nasa ilalim ng Localized Social Pension ng munisipyo. Siguraduhin pong kabilang sa tamang programa bago magtungo sa takdang lugar upang matiyak ang mabilis at maayos na daloy ng ating serbisyo.
Para sa karagdagang impormasyon, maaring makipag-ugnayan sa official Facebook page ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO):
