Naganap ang Solo Parents Week Celebration nitong April 17, 2026, sa Naic Covered Court sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at pakikipagtulungan ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) bilang selebrasyon at pagkilala sa sakripisyo, tibay, at pagmamahal ng ating mga solo parents sa bayan ng Naic.
Sa pamamagitan ng programang ito, muling pinagtibay ang suporta ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa kanilang mahalagang papel sa pamilya at komunidad. Patuloy tayong magsasama-sama upang itaguyod ang kanilang kapakanan at kinabukasan.



