Isinagawa ang panunumpa sa tungkulin ng mga bagong opisyal mula sa iba't ibang samahan at Homeowners Associations (HOA) sa Bayan ng Naic, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang ngayong Lunes, Enero 26, 2026, sa Naic Municipal Hall.

Ang programang ito ay pormal na pagkilala sa kanilang responsibilidad na maglingkod nang may integridad, malasakit, at pananagutan para sa kani-kanilang komunidad.

Sa okasyong ito, binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga organisadong samahan sa pagpapatibay ng kaayusan, pagkakaisa, at maayos na pamamahala sa antas ng barangay at subdivision. Sa pagtutulungan ng lokal na pamahalaang bayan ng Naic at ng mga samahan, mas napapalakas ang paghahatid ng serbisyo para sa bawat Naicqueño sa buong Bayan ng Naic.

Mga nanumpang samahan

  • Pagsinag Place East HOA (Brgy. Sabang)
  • Organisasyong Kaagapay ng Masang Naicqueño (Villa Apolonia)
  • Hillsview Royale Phase (Timalan Balsahan)
  • Naic Cavite Waraynon Residents Association (Brgy. Molino)

Patuloy na kaisa ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, sa pagsusulong ng responsable at tapat na pamumuno para sa mas organisado at nagkakaisang bayan ng Naic.