Inaanyayahan ang mga Naicqueño na naghahanap ng oportunidad sa trabaho na makilahok sa Local Recruitment Activity na isinasagawa katuwang ang SFI Fresh Bakers Corp., na gaganapin sa Waltermart, Barangay Sabang, Naic, Cavite.

Iskedyul

Petsa Oras Lugar
Miyerkules, Enero 21, 2026 10:00 AM onwards Waltermart, Sabang, Naic, Cavite
Biyernes, Enero 23, 2026 10:00 AM onwards Waltermart, Sabang, Naic, Cavite
Miyerkules, Enero 28, 2026 10:00 AM onwards Waltermart, Sabang, Naic, Cavite

Layunin ng aktibidad na ito na mas mapalapit ang mga oportunidad sa trabaho sa ating mga kababayan at patuloy na maisulong ang hanapbuhay at pag-asenso sa Bayan ng Naic.

Tara, samantalahin ang pagkakataong ito at maging bahagi ng mas asensadong Naic.