Layunin

Akda ng Sangguniang Bayan ng Naic ang Ordinance No. 2026-26 na naglalayong protektahan ang mga kabataan at maiwasan ang mga aksidenteng dulot ng unauthorized at unqualified driving ng mga menor de edad.

Mga Parusa

  • 1st Offense: ₱500 + 2 oras na community service
  • 2nd Offense: ₱1,000 + 2 araw na community service
  • 3rd at succeeding offenses: ₱2,500 + 3 araw na community service

Mahalagang Paalala

Ipinagbabawal ang pagmamaneho ng motor vehicle ng menor de edad na hindi legally authorized alinsunod sa umiiral na batas at LTO rules. Maaari ring managot ang mga magulang, guardian, o vehicle owner na sadyang nagpapahintulot o nagpapagamit ng sasakyan sa unauthorized minor driver.

Pagpapatupad

Ang mga na-apprehend na minor ay ire-refer sa Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa intervention at assessment, habang ang sasakyan ay maaaring i-safekeeping o i-impound alinsunod sa umiiral na batas at proseso.

Sa pagpapatupad nito, makikipagtulungan ang Municipality of Naic, NTMO, MSWDO, PNP, LTO, Barangay Officials, mga paaralan, at mga magulang para palakasin ang road safety awareness at proteksyon ng kabataan.

Effectivity: September 4, 2026