Binigyang-diin sa isinagawang HIV/AIDS Health Education and Orientation, sa pangunguna ng Municipal Health Office (MHO), noong Biyernes, Agosto 28, 2026, sa Amisa Medical Mission ang kahalagahan ng tamang kaalaman tungkol sa HIV/AIDS, mula sa pag-iwas at testing hanggang sa pag-unawa sa mga maling paniniwala na maaaring magdulot ng stigma.
Nakibahagi rito ang mga Barangay Health Workers at LGBTQ+ Officers mula sa iba't ibang bahagi ng Bayan ng Naic.
Sa patuloy na pagbibigay ng wastong impormasyon at pagpapalakas ng health awareness, sama-sama nating itaguyod ang isang komunidad na mas maalam, maunawain, at bukas sa tamang impormasyon tungkol sa kalusugan.



