Layunin

Akda ng Sangguniang Bayan ng Naic ang Ordinance No. 2026-25 para palakasin ang lokal na pagpapatupad ng Republic Act No. 10054 o Motorcycle Helmet Act of 2009, at itaguyod ang mas ligtas na pagmamaneho para sa lahat ng motorcycle drivers at passengers.

Mga parusa sa paglabag

  • 1st Offense: ₱1,500
  • 2nd Offense: ₱3,000
  • 3rd Offense: ₱5,000
  • 4th at succeeding offenses: ₱10,000 + applicable administrative sanctions

Mahalagang paalala

Ang ordinansa ay para sa local implementation at enforcement ng RA 10054 at hindi nagbabago sa penalties, standards, exemptions, at authority na itinakda ng national law. Walang automatic impoundment dahil lamang sa helmet violation maliban kung hayagang pinapahintulutan ng umiiral na batas.

Pagpapatupad

Makikipag-ugnayan ang Naic Traffic Management Office (NTMO) sa LTO para sa mga lawful na proseso kaugnay ng traffic violations, kasabay ng road safety seminars, information campaigns, at iba pang safety initiatives.

Effectivity

EPEKTIBO: Setyembre 9, 2026 (Miyerkules)

May-akda

  • Authored by: Hon. Roger N. Camilo
  • Co-Authored by: Hon. Jerry C. Barrera