Ang Pamahalaang Bayan ng Naic ay nagbibigay-pugay kay Eunice Daniel Villanueva, na nagkamit ng Bronze Medal sa Fencing – Men's Sabre sa 33rd Southeast Asian Games.
Ang tagumpay na ito ay nagpakita ng galing, disiplina, at determinasyon, at nagdala ng karangalan sa Bayan ng Naic sa larangan ng palakasan sa sa buong South East Asia.
Ang kanyang pagkamit ng medalya ay nagsisilbing inspirasyon sa kabataang Naicqueño at patunay ng kakayahan ng bayan ng Naic sa paghubog ng mga magagaling na manlalaro.
