Ipinababatid sa ating mga kapwa Naicqueño na suspendido ang pasok sa mga tanggapan ng Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga sumusunod na petsa:
- Lunes, Disyembre 29, 2025
- Biyernes, Enero 2, 2026
Ang mga tanggapan ng Bayan ng Naic na nagbibigay ng basic at vital services, kabilang ang serbisyong pangkalusugan, ay mananatiling bukas upang patuloy na makapaglingkod sa ating mga kababayan. Ang mga pribadong tanggapan naman ay maaaring magsuspinde ng trabaho ayon sa pasya ng kanilang pamunuan.
Inaanyayahan ang lahat ng Naicqueño na magplano nang maaga at manatiling nakaantabay sa mga susunod na abiso ng Pamahalaang Bayan ng Naic.
Merry Christmas, mga Naicqueño!
