Isinagawa ang regular Flag Raising Ceremony ng Pamahalaang Bayan ng Naic ngayong Lunes, Disyembre 22, 2025, sa Naic Municipal Hall, sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang at sa pakikipagtulungan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO).
Nagpaabot ng mainit na pagbati si Yorme Rommel Magbitang sa mga kawani ng pamahalaang bayan at mga dumalong opisyal, kabilang si Konsehal Rodrigo "Rod" Castillo. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng patuloy na pagkakaisa, disiplina, at maayos na paglilingkod upang mas mapabuti ang buhay ng bawat Naicqueño.



