Ipinapaabot ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang taos-pusong pagbati kay Jean Rei P. De Torres, RMT, sa matagumpay na pagpasa sa Medical Technologist Licensure Examination.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng pangarap. Nawa'y magsilbi itong inspirasyon sa iba pang kabataang Naicqueño na patuloy na magsikap at magtagumpay sa kani-kanilang larangan.
Ipinagmamalaki ka ng Bayan ng Naic. Patuloy nawa ang iyong tagumpay sa larangan ng serbisyong pangkalusugan at sa paglilingkod sa komunidad.
