Naganap nitong Marso 11, 2026 ang Anti-Rabies Vaccination Drive para sa mga alagang aso at pusa sa Verdant Residence Covered Court, sa pangunguna ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer ng Pamahalaang Bayan ng Naic.

Bahagi ito ng patuloy na kampanya ng ating bayan upang mapanatiling ligtas ang komunidad laban sa rabies, kasabay ng paghikayat sa mga Naicqueño na maging responsable sa pangangalaga at pagpapabakuna ng kanilang mga alagang hayop.