Nagsagawa ng Canvas Painting Contest ang Bureau of Fire Protection (BFP) – Naic Fire Station sa pangunguna ni FSINSP Francisco G. Medina Jr., Municipal Fire Marshal, na ginanap sa Triple 8, Sabang, Naic, Cavite ngayong Huwebes, Marso 12, 2026.

Layunin ng aktibidad na hikayatin ang mga kabataan at mamamayan na maipahayag ang kanilang pagkamalikhain habang naipapakita rin ang kahalagahan ng fire safety at fire prevention awareness sa komunidad.

Patuloy na nakikiisa ang Pamahalaang Bayan ng Naic sa mga programang naglalayong palawakin ang kaalaman ng mga Naicqueño sa kaligtasan at paghahanda laban sa sunog, lalo na ngayong Fire Prevention Month.