Congratulations, Atty. Irvin Henson Sta. Ana Ilog!
Arellano University School of Law
Lubos na ikinararangal ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic ang tagumpay ni Atty. Irvin Henson Sta. Ana Ilog, na nagtapos mula sa Arellano University School of Law, sa matagumpay niyang pagpasa sa 2025 Philippine Bar Examination.
Ang tagumpay na ito ay bunga ng kanyang walang humpay na pagsisikap, determinasyon, at matibay na paninindigan sa pag-abot ng pangarap. Isa itong karangalang hatid hindi lamang sa kanyang pamilya at pamantasan, kundi maging sa buong bayan ng Naic.
Nawa'y magsilbi siyang inspirasyon sa mga kabataang Naicqueño na mangarap, magsikap, at maglingkod nang may integridad at malasakit sa kapwa.
