Pulong ng Liga ng mga Barangay

Sa paggabay ni Mayor Rommel Magbitang, nagkaroon ng pulong kasama ang Liga ng mga Barangay, kung saan tinalakay ang mga mahahalagang usapin hinggil sa pangangalaga sa kalikasan at maayos na solid waste management sa Bayan ng Naic.

Sa pagpupulong, pinag-usapan ang mga designated pick-up points ng basura mula sa mga barangay, pati na rin ang responsibilidad ng malalaking kompanya at establisyemento kaugnay ng waste disposal at business permits.

Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga barangay at ang patuloy na tapat na paglilingkod para sa kapakanan ng bawat Naicqueño, bilang paalala na sa sama-samang pagkilos ng pamahalaang bayan at mga barangay, mas magiging maayos, malinis, at angat ang Bayan ng Naic.