Kasunduan para sa pagtatayo ng pasilidad pangkalusugan

Sa patuloy na pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang, isinagawa ang paglagda ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatayo ng Korea–Naic Friendship Infirmary noong Huwebes, Enero 8, 2026, sa Naic Municipal Hall.

Layunin ng kasunduang magtayo ng pasilidad pangkalusugan na magbibigay ng mas maayos at abot-kayang serbisyong medikal sa mga Naicqueño. Kasama sa proyekto ang aktibong pakikilahok ni Municipal Health Officer Dr. Ma. Carolina P. Matel, pati na rin ng mga konsehal na sina Konsehal Rodrigo "Rod" Castillo at Konsehal Ryan "Wakay" Flores.

Naganap ang aktibidad sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Bayan ng Naic, Rose Club International, at Open World, bilang simbolo ng sama-samang pagtutulungan para sa pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan sa bayan ng Naic.