Paggunita sa Araw ni Dr. Jose Rizal
Naganap ang paggunita ng ika-129 anibersaryo ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal. Sama-samang inalala ng bayan ng Naic ang kanyang buhay at mga aral na patuloy na nagbibigay-liwanag sa ating pagkakaisa, pagmamahal sa bayan, at pananagutan bilang mamamayan sa ating bansa. Ngayong Martes, December 30, sa Naic Town Plaza.
Sa simpleng paggunita, muling pinaalalahanan ang bawat isa na ang diwa ni Rizal ay nananatiling buhay sa araw-araw na malasakit at pagkilos para sa kapwa at sa bayan.



