Ang pamamahagi ng mga wheelchair para sa mga Naicqueño na Persons with Disability (PWDs) mula sa iba't ibang barangay ng bayan ng Naic ay isinagawa sa pagsuporta ni Mayor Rommel Magbitang, katuwang ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO).
Naganap ito ngayong Lunes, Disyembre 22, 2025, sa Naic Muncipal Hall.
Layunin ng programang ito na makatulong sa mas maginhawang paggalaw at mas aktibong pamumuhay ng ating mga kapwa Naicqueño na may kapansanan, bilang bahagi ng patuloy na adbokasiya ng Pamahalaang Bayan ng Naic para sa inklusibo at makataong serbisyo.



