Nakikiisa ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa paggunita ng ika-162 kaarawan ni Apolinario Mabini, na kinikilalang "Utak ng Himagsikan" at isa sa mga dakilang bayani ng ating bansa.

Nawa'y magsilbing inspirasyon ang kanyang paninindigan, karunungan, at pagmamahal sa bayan sa patuloy nating pagsusulong ng mabuting pamamahala at paglilingkod para sa kapakanan ng bawat Naicqueño.