Training on Vegetable Production for Sustainable Food and Nutrition
Sa pangunguna ng Office of the Provincial Agriculturist at ng Municipal Health Office (MHO), isinagawa ngayong araw ang Training on Vegetable Production for Sustainable Food and Nutrition na nilahukan ng mga kinatawan mula sa mga barangay ng Malainen Bago, Sabang, Ibayo Estacion, at Ibayo Silangan ngayong Miyerkules sa Amisa Medical Mission.
Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman ng mga kalahok sa tamang pagtatanim ng gulay at isulong ang sapat na nutrisyon at seguridad sa pagkain sa bawat komunidad.
Patuloy na nakikipagtulungan ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic sa iba't ibang ahensya upang makapaghatid ng mga programang makatutulong sa ating mga Naicqueño.



