Isinagawa ngayong Huwebes, Hulyo 23, 2026, ang Groundbreaking Ceremony ng Ospital ng Naic sa Brgy. Timalan Balsahan sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang kasama si Congresswoman Aniela Tolentino.
Mga dumalo
Dumalo rin sa programa sina Former Tagaytay City Vice Mayor Raymond Ambion, Konsehal Rodrigo "Rod" Castillo, Konsehal Ryan Wakay-Flores, mga department heads ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, mga kinatawan ng homeowners associations, at iba pang mga katuwang na ahensya.
Patuloy na nagsisikap ang Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic na maisakatuparan ang mga proyektong magbibigay ng mas maayos na serbisyong pangkalusugan para sa bawat Naicqueño.



