Nakiisa ang mga Barangay Captain, BNS, BHW, at mga Kagawad sa "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan" Training noong July 14, 2026, sa AMISA, sa pangunguna ng MENRO at Rural Health Unit (RHU).

Tinalakay sa programa ang wastong paghihiwalay at pagtatapon ng basura, iba't ibang uri ng basura, at iba pang mahahalagang kaalaman para sa mas malinis na kapaligiran at mas malusog na komunidad.