Matagumpay na isinagawa ang "Nutrisyon at Kalikasan, Ating Pangalagaan" Training noong Martes, Hulyo 14, 2026, sa Amisa Medical Mission, sa pangunguna ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) at Rural Health Unit (RHU).

Ang programa ay dinaluhan ng mga Barangay Captain, Barangay Nutrition Scholars (BNS), Barangay Health Workers (BHW), at mga Kagawad upang higit pang palakasin ang pagtutulungan sa pagsusulong ng wastong nutrisyon at pangangalaga sa kalikasan sa bawat barangay sa Bayan ng Naic.