Isang makabuluhang pagpupulong ang isinagawa sa Bayan ng Naic para sa PALIGID Program o "Towards a Sustainable Philippine Food System" nitong Huwebes, Nobyembre 6, 2025, sa Triple 8, Sabang, Naic, Cavite.

Layunin ng programa

Layunin ng programang ito na mapalakas ang pag-unawa sa availability, accessibility, at nutrition outcomes ng ating sistema ng pagkain sa pamamagitan ng mapping at data modeling, isang mahalagang hakbang tungo sa mas matatag, mas ligtas, at mas sustenableng sistema ng pagkain para sa bawat Pilipino.

Pagtutulungan

Sa pagtutulungan ng mga eksperto, lokal na sektor, at ng ating mga Naicqueño, patuloy nating itinataguyod ang adhikaing magkaroon ng sustainable at resilient food system tungo sa masaganang kinabukasan at mas malusog na pamayanan sa Bayan ng Naic.