Matagumpay na isinagawa ang 33rd National Children's Month Celebration, Youth and Children's Congress nitong November 7–8, 2025, sa Tanza Oasis Hotel & Resort, Tanza, Cavite, na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Naic.

Layunin ng programa na palakasin ang kamalayan laban sa Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC) at Child Sexual Abuse or Exploitation Material (CSAEM), at bigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan upang mapanatili ang kaligtasan at karapatan ng bawat bata.

Sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, kaagapay ang DSWD, nananatiling buhay ang adhikain para sa isang ligtas, makatarungan, at mapagkalingang kinabukasan para sa lahat ng batang Naicqueño.