Bilang paghahanda sa nalalapit na pagbubukas ng klase, nagsagawa ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng pamamahagi ng first aid supplies at hygiene kits sa mga sumusunod na paaralan:
- Belmont Homes Elementary School
- Molino Elementary School
- Naic Elementary School
Layunin ng programang ito na makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan, kaligtasan, at kahandaan ng ating mga paaralan para sa pagbabalik-eskwela ng ating mga mag-aaral na Naicqueño.



