Isinagawa ang pamamahagi ng libreng school supplies sa pangunguna ni Mayor Rommel Magbitang sa mga paaralan sa Bayan ng Naic bilang bahagi ng patuloy na suporta sa edukasyon ng ating mga mag-aaral na Naicqueño.

Mga paaralang nakatanggap

  • Centro de Naic National High School
  • Ciudad Nuevo de Naic National High School
  • Pueblo del Mar National High School
  • Muzon Elementary School
  • Naic Senior High School Standalone

Patuloy ang lokal na pamahalaang bayan ng Naic sa pagsuporta sa ating mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga programang makatutulong sa kanilang pag-aaral at paghahanda para sa pagbabalik eskwela.