Iginawad sa Bayan ng Naic ang Plaque of Recognition mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council at Office of Civil Defense CALABARZON bilang pagkilala sa maayos at tuloy-tuloy na pagpapatupad ng mga hakbang sa disaster risk reduction at management sa gitna ng mga hamon ng sakuna.
Ang parangal na ito, na iginawad nitong January 27, 2026 sa Calamba City, Laguna, ay patunay ng patuloy na pagtugon ng lokal na pamahalaan para sa kaligtasan at kapakanan ng mga Naicqueño.
