Isinagawa ang Fisherfolk Registration sa Bagong Kalsada Covered Court katuwang ang Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer, at sa patuloy na suporta ni Mayor Rommel Magbitang. Sa pamamagitan ng aktibidad na ito, naitala ang mga mangingisdang Naicqueño para mas madaling ma-access ang mga programa gaya ng insurance, fuel subsidies, at iba pang tulong pangkabuhayan.
Ngayong Miyerkules, Enero 28, 2026 sa Barangay Bucana Sasahan Covered Court, Naic, Cavite.
Patuloy na inilalapit ng lokal na pamahalaang bayan ng Naic ang mga serbisyo upang masiguro na ang mga mangingisdang Naicqueño ay may sapat na suporta at benepisyo sa kanilang trabaho.



