Naisagawa ang livestock registration ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer (OMABE), at sa suporta ni Mayor Rommel Magbitang, ngayong Huwebes, January 29, 2026, sa Barangay Hall ng Labac, Naic Cavite.
Sa pamamagitan ng rehistrong ito, natitiyak ang kumpletong talaan ng mga livestock farmers sa Bayan ng Naic, na mahalaga para sa mabilis at maayos na pag-access sa mga programang pang-agrikultura.
Patuloy na pinapalakas ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Naic ang serbisyo at suporta sa mga Naicqueñong livestock farmers upang masiguro ang kanilang benepisyo, gabay, at pagkakataon na mapalakas ang kanilang kabuhayan at ang sektor ng agrikultura sa bayan ng Naic.
