Local Recruitment Activity sa Naic

Handa ka na bang sumubok ng bagong oportunidad sa trabaho? Inaanyayahan ang lahat ng Naicqueño sa Local Recruitment Activity na gaganapin sa January 6, 2026.

  • Petsa: Martes, Enero 6, 2026
  • Oras: 10:00 AM
  • Lugar: Waltermart Sabang, Naic, Cavite

Makipagkita sa mga employer at tuklasin ang iba't ibang job opportunities na available para sa mga naghahanap ng trabaho. Sama-sama nating suportahan ang paglago at kabuhayan ng mga manggagawang Naicqueño.