Matagumpay na isinagawa ang Regular Flag-Raising Ceremony ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic sa pangunguna ng Municipal Engineering Office sa pamumuno ni Mrs. Rona Dela Cruz, Municipal Engineer, bilang pagpapakita ng dedikasyon at pagkakaisa ng bawat kawani sa patuloy na paglingap sa mamamayang Naicqueño. Nitong Lunes, Nobyembre 3, 2025, sa Naic Municipal Hall.

Nagbahagi rin ng mensahe si Mayor Rommel Magbitang, kung saan kanyang binigyang-diin ang kahalagahan ng disiplina at tamang pamamahala sa basura bilang isa sa mga pangunahing hakbang tungo sa mas malinis at maayos na Bayan ng Naic.

Ang seremonyang ito ay patunay ng patuloy na pagkilos, kooperasyon, at malasakit ng bawat tanggapan tungo sa isang mas maayos na bayan ng Naic.