Ating ipinagdiriwang ngayon ang All Saints' Day, sabay-sabay nating ginugunita ang lahat ng mga banal, mga huwaran ng pananampalataya at kabutihan na patuloy na nagbibigay-inspirasyon sa atin.
Nawa'y magsilbi itong paalala na sa bawat kabutihan, may kabanalan. Sa bawat tulong, may pag-ibig. At sa bawat Naikeño na naglilingkod nang tapat, naroon ang diwa ng pagiging banal sa simpleng paraan.
Magdasal, magnilay, at pasalamatan ang Diyos sa biyayang buhay at pananampalataya.
Mabuhay ang mga banal, at mabuhay ang bayan ng Naic!
