Sa pangunguna ni Yorme Rommel Magbitang at kooperasyon ng Office of the Municipal Agricultural and Biosystems Engineer (MABE), matagumpay na isinagawa ang Municipal Fisheries and Aquatic Resources Management Council (MFARMC) Monthly Meeting nitong Martes, Oktubre 28, 2025, sa Bantay Dagat Station, Brgy. Bucana Malaki.
Layunin
Layunin ng pagpupulong na mas mapalakas ang koordinasyon at implementasyon ng mga programa para sa pangangalaga ng yamang-dagat sa bayan ng Naic. Sa patuloy na pagtutulungan ng mga mangingisda, MFARMC officers, at ng Lokal na Pamahalaang Bayan ng Naic, sa pamumuno ni Yorme Rommel Magbitang, nananatiling matatag ang adhikain tungo sa responsableng pangingisda at masaganang karagatan.



