Road Safety Seminar sa Naic

Sa inisyatibo ng Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Naic, katuwang ang LTO Naic District Office, matagumpay na isinagawa ang Road Safety Seminar na layuning paigtingin ang kaalaman ng mga motorista at mamamayan hinggil sa tamang paggamit ng kalsada at pagpapanatili ng kaligtasan sa biyahe.

Mga Tinalakay

Tinalakay sa programa ang mga mahahalagang paksa tulad ng:

  • Road safety concepts
  • Seatbelt law
  • Stress at anger management
  • Road rules and regulations
  • Iba pang batas trapiko na naglalayong maiwasan ang mga aksidente sa lansangan

Ang ganitong mga hakbang ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng pamahalaang lokal ng bayan ng Naic na mapanatiling disiplinado, responsable, at ligtas ang bawat Naicqueño sa kalsada.