Matagumpay na isinagawa ng Pamahalaang Bayan ng Naic ang Tourism Month Celebration, tampok ang makabuluhang sayaw-interpretasyon ng Himno ng Naic sa pangunguna ng Naic Integrated National High School, pati na rin ang kahanga-hangang pagtatanghal ng Maguagi dance group performers.

Tampok din sa nasabing pagdiriwang ang mga patimpalak sa Souvenir Making, Tour Guiding, at Marching Band Competition, na nagpakita ng husay, talento, at pagkamalikhain ng mga mamamayan Naicqueño ng Bayan ng Naic.