Validation ng Social Pension
May kabuuang 319 senior citizen sa Bayan ng Naic ang natukoy bilang mga posibleng benepisyaryo ng Social Pension. Ang kanilang mga pangalan ay mula sa 2024 PSA Community-Based Monitoring System (CBMS) at sumailalim na sa paunang beripikasyon sa pamamagitan ng crossmatching sa SSS, GSIS, at PVAO.
| Petsa | Oras | Venue |
|---|---|---|
| Miyerkules, Hulyo 29, 2026 | 8:00 AM | Naic Town Plaza |
Isasagawa rin ang pagpaparehistro sa BBM Serbisyo App bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng beripikasyon at pamamahagi ng mga benepisyo.
Mga Dapat Dalhin
- Photocopy ng National ID ng senior citizen. Kung wala, maaaring magdala ng OSCA ID o anumang valid government-issued ID.
- Accomplished Family Composition Form na naglalaman ng mga miyembro ng pamilyang kasama ng senior citizen sa bahay. Maaaring kumuha ng Family Composition Form sa Senior President ng inyong barangay.



